Sunday, March 4, 2012

Buhay nga naman...

Akala ko, may mga tao pa ring kahit papaano eh mapagkakatiwalaan ko... Akala ko lang pala yun! Ang mas masaklap dun, wala naman akong maling ginawa sa mga taong ito. Sadyang nagkalat lang talaga siguro ang mga taong makikitid ang utak. Mga taong putak ng putak ng hindi man lang nag-iisip. Mga taong akala nila'y parati silang tama. Mga taong akala nila eh kaya nila lahat ng tao. Mga taong madaldal pero wala naman talagang alam. Mga taong nagmamarunong pero tanga naman. Mga taong manggagamit. Mga taong hindi marunong makinig. Mga taong traydor. Mga taong kilala ka lang pag may kailangan.


Ayoko sanang magsulat ng mga hindi kagandahang bagay dito sa blog ko lalo na at nagsisimula palang ako. Malas ko lang siguro at nakakilala ako ng mga ganitong tao at ilang oras pa lamang ang nakakalipas eh may nangyari na namang ganito.  :(


Nung bagong dating ako dito, akala ko, magiging madali lang ang pakikisalamuha sa mga kababayan natin dito. Pero, nagkamali ako. Sa tatlong na itinagal ko, 10% lang ng mga nakilala ko ang maituturing kong kaibigan. Ang hirap tanggapin pero totoong kapwa Pilipino mo pa ang hihila sayo pababa o pabagsak. Proven and tested na yan. Yung tipong paakyat ka na eh hihilain at sisirain ka pa ng wala kang idea kung bakit. Hindi ko maintindihan kung inggit o sama ng loob ba ang dahilan kung bakit nila ginagawa ito. Okay naman sila pag kaharap mo...


Ang hirap magtiwala. Ang totoo niyan, ayoko ng magtiwala. Ganun yata talaga pag may mga hindi magandang pangyayari sa atin. Natatakot tayong magtiwala o talagang ayaw na natin magtiwala ulit. Sana may mga sagot sa tanong na bakit...  

No comments:

Post a Comment